Wednesday, April 11, 2007

sex pampatibay?

Opo maka kaibigan "sex" na naman, why is it always about sex? May nakapag sabi sakin na ang sex daw ay nakakapag patibay ng relasyon. ako tatanungin, nung malay ko jan virgin pa ko. Pero walang halong biro totoo man ito o hinde, wag sana nating maging basihan ang sex para lang maging matibay ang isang relasyon. Para sakin ito'y isang sagradong aktibidades na dapat pagukulan ng pansin at panahon, pinaghahandaan at pinagaaralan, para mas exiting diba? di dapat minamadali. Ito ay hinde kanin na mainit at pag napaso ka ay iluluwa mo at pagsisihan at masasabi na P.I. ang sakit, mainit pala....

may babahagi ako sa inyong kwento, maaring ilan sa inyo ay nabasa na ito at maaring di ganun na ganun... titulo: "SEX BOMB". Sa isang malamig na lugar sa ibang bansa kung saan ay nagyeyelo at may mga nabubuhay na mga lobo. May mga mangingisda kung saan gumagamit ng sibat o spear sa pangingisda, madalas iniiwan o naiiwan nila ang sibat na may bahid ng dugo kung saan nanigas ito. Ang mga lobo ay matatalas ang pang-amoy kung kaya't madali nilang nakita ito. Dinalaan ng lobo ang talim ng sibat na may bahid ng dugo na di nalalaman ang panganib na dulot nito. Dinilaan ng dinilaan ng lobo ang talim hanggang masugatan ang dila nito, dahil sa sobrang sarap di nalalaman ng lobo na sarili na nyang dugo iyon, hanggang sya ay mamatay! bow....

bakit kaya sex bomb? katulad ng lobo sa sobrang sarap di natin mamalayan na maaring makasama ito sa atin. Come to think of it mga chong at chang... di lang physically pati utak natin.. wag nating hayaan lasunin tayo, "SEX IS GOOD ALL THE TIME" ika nga ng iba, its a natural thing, oo tama sila "partially"....pero lahat ng sobra masama..

"do ordinary things, extraordinarily well"

No comments: