Monday, April 30, 2007

medjazz

Last time i post about me in a "change"... yup and one of which nga is yung im fond of listening to jazz music.. actually for me its not totally jazz.. med-jazz or medyo jazz.. thats why i use the title subject as medjazz..medyo lang.. The artist is Richard Cheese, he is a jazz musician that covers or we can say his own version of some song of rock bands and other famous artist like: madonna & michael jackson. rock bands like: system of a down, range against the machine, papa roach, green day and some other hard rock band that he could think of...

Its like parody, but in a good way.. coz it brings a cool vibe of music.. if you are not fan or hate to listen to rock and noisy music.. you probably gonna love the version of this guy.. you know! Imagine how he is going to deliver those explicit lyrics of those band in his jazz version.. its crazy.. i highly recommend his music.. its very relaxing.. Sometimes when i listening to his music, i imagine myself watching in one his performance live in a fine dining restaurant, (which i believe jazz musician plays) with some friends, drinking wine.. its kinda relaxing.. Ahhhh.... im really getting old... or maybe its just i don't have a time to go out.. because of this toxic work... but this was just great... I also have a playlist of his music in my mp3... Im fan yah!? yah i am!!

Saturday, April 28, 2007

kuya ano yung Sex?

Opo sex again.. Nung bata pa ko merong binigay samin na fill-up form sa skul, i think i was on grade school at that time, parang resume... so i fill it up and then theres a section there about SEX.. huh? anu kaya un? so i approach my brother... Kuya anu yung sex?.. that time he's watching back 2 the future.. so everytime i watch that movie.. it remind me of this question.. and then he look at me! what?. nasa elementarya rin sya nung panahon na yun... malapit na nga lang syang matapos.. sabi nya malalaman mo rin yun pag tanda mo... sa loob-loob ko, sa pagtanda ko pa pala ipapasa toh! and then yun nga busy sya? kulitan portion na ito.. hoy! kuya anu ba yung sex kasi? bakit mo ba tinatanong? basta...! hanggang sa pinakita ko na yung form.. eto nga kasi oh... anu ba yan? nakalagay SEX.. eh di ko naman alam kung anu yan..! Ah anu yan kung babae oh lalake.. Sa loob loob ko noon loko toh ah! lalake lang o babae pinahirapan pa ko... Hanggang sa medu lumawak na ang kaalaman ko dun..medu lang.. mga kelangan ko lang malaman (defensive!) Yun naman pala kaya ayaw sabhin ni kuya yung totoo... pero teka bata pa rin sya nung mga time na yun ah.. alam na nya yun!! well im not that surprise, maaga sya nakapag asawa eh..hehe (tol sorry, wag ka magagalit)... pero naisip ko loko rin yung skul namin nung mga panahon nayun, nu bang malay namin sa sex noon... di na lang nilagay gender tapos may option man lang sana male or female.. kaya pag may nagtatanong sakin kung anu yunf sex, sinasagot ko Ah malalaman mo rin yan pagtanda mo at mas malawak pa dun!!! at san ko natutunan,, syempre kay kuya!!

(Kaya yun, hanggang ngayon dun ako nakatira sa bahay ni kuya, marami ko natututunan dun eh!)

Friday, April 27, 2007

pagbabago...

I think Ive changed..why? someone told me that im "kinda" cute (humble..LOL) and I say thanks!! and then i stop.. did i say thanks?... before, when someone told me that.. sabay banat, cute lang?.. kapal imbis na mag thank you.. weird!.. is this a part of maturity... or nahihiya na ko kc marami ng nkakaalam kong nung sasagot ko..hehe... well latetly im fond listening on jazz music, appreciate classic movies.. reading newspaper than magazines... tumatanda na ba ko?.. eeehh...

But i find it very interesting.. i can now handle a conversation, a nice conversation..huh!.. last day i had a date.. masasabi ko na i make the conversation with my date very interesting... what i don't like is.. i think I blew more on emotional on our conversation.. ahhh... but in a good way! How funny i notice this to myself.. i used to be a "so be it, come what may" type of guy.. maybe its true , that everything happens for a reason..but what ever it is, just hope im in right path.. (here we go again) this drama makes me sick..aaahh!....

<<< don't panic..your just itchy..
>>> ok.. what am i gonna do...
<<< wag mo kamutin..just ask her..
>>> what?
<<< kung pwede ba ulit kayo lumabas nxt time..
>>> do you think this is too fast...
<<< duh! ay sira..
^^^ may sinasabi ka? nu nga pala yung sasabihin mo?
>>> ha? ahh oo... pwede yayain kita lumabas ulit nxt time!
<<< para ka namang galit eh..
^^^ ha?... anu kasi eh...
<<< don't panic..
^^^ ok lang.. hehe..oo naman
>>> ok...hehe (hanggang tenga ngiti)
<<< kolokoys ka talaga...

Thursday, April 26, 2007

Astig na themes

Share ko lang tong themes na ginagamit ko... pang firefox sya.. "RedShift V2" medyo madugo nga lang sya.. pero astig mas bagay sya sa blog ko kc nagbeblend yung kulay.. download nyo.. libre lang sya.. meron ding ibat-ibang klaseng themes na mapag-pagpipilian na babagay sa panlasa mo... (parang pagkain ah!) , kung sakali namang wala kayong firefox na browser.. pwede nyo ring maidownload ito, sa murang halaga lamang..joke hehe.. libre lang din yun.. but wait!! theres more..
marami pang add-ons at firefox browser tools ang naghihintay.. libre lahat! anu pa hinihintay nyo.. yayain na ang buong pamilya at makisaya sa napaka gandang handog ng pruktong ito.. waahaha.... ang saya saya..

para sa karagdagang kaalaman mag log-on sa www.mozilla.com

bakit bogs?

sila: bakit daw bogs? bakit nga ba? sinu ba yun? anu ba yun?
ako: tawag kasi sakin ng nakatatanda kong kapatid bogs...
sila: layo naman sa totoo mong pangalan?
ako: oo nga eh...
sila: Eh anu bang history ng palayaw mo?
ako: Ganito yan... nung bata pa ko tampuhin kasi ko...
sila: anung kinalaman nun...
ako: di pa ko tapos..easy ka lng..
ako ulit: madalas kc ko magatampu nung bata ko.. pag sinusuyo ko ng nanay ko, tawag nya sakin bagoy...
sila: e bakit nga bogs..?
ako na naman: e kc nga ganito.. syempre ganun talaga.. bagoy, bugoy hanggang sa naging bogs..
actually ayoko na tinatawag ako dating ganun... eh na realize ko.. isa na lang yun sa mga nagpapaalala sa aking ina.. bata pa kc ko nung nawala sya.. kay ganun...
ako last na:
daming tanong... inum na lang tayo...naiiyak na ko eh...


Saturday, April 21, 2007

Ang pagbabalik!

Pagkatapos ng pitong taon... sa wakas nakabalik ako sa skul ko nung high skul... bakasyun, kaya yun nakauwi ako samin.. pahinga sa work..di rin! pero ok na rin...weird 3 days walang computer nakakapanibago parang di kaya... sa byahe pa lang di ko maimagine.. pag dating ko sa bahay wala pang sang oras... may nagtxt..punta ka na dito sa skul.. dito na kami... ah ok..

pag dating ko sa skul..mas lalong weird daming tao.. daming mukha..puro bago.. nag txt ako.. sunduin nyo ko d2 sa labas ng gate..nahihiya kong pumasok.. pag dating sa booth.. weird na naman.. naka tingin sila.. feeling ko naalala pa nila yung mga ginawa kong mga kalokohan nung high skul.. IHMA (Immaculate Heart of Mary Academy) name nung skul, catholic skul.. pero iba ang nakaraan ko dun.. change topic!... ang saya tanghaling tapat red horse hawak ko, black saturday pa nun.. tapos di pa ata ko kumakain.. may lumapit sakin teacher ko sa math dati... tahimik mo ngaun? nyeee ok ah... di bagay? wala lang sir.. medu naninibago lang ako.. nagmamasid masid pa...

Tapos yun lahat ng makausap ko, laging tanung may trabaho ka na? anu trabaho mo? "SEO".. nu yun? tanung mo kay Google.. Sinu yun?.... parang webmaster yun! Ah..ok... galing mo naman.. astig! nyee.. Di ko namalayan hapon na.. uwi kaya muna ko? Di na tuloy natin to kila betong (sya ata nagorganized nung group)... ayus parang mga spartans... "Tonight We'll Drink to Hell"... alas once na kami natapos, ako lang pala.. classmates uwi na ko.. ok bukas ulit ah!!... wakok!!!



Friday, April 20, 2007

ang sarap maospital..

Kahapon sinugod sa ospital si utol... nataranta ko, kala ko kung nung nangyari kararating ko lang nun galing trabaho, inaantok na ako nun eh.. tinawagan ako ni ate, punta daw ako, dalhin ko daw ung atm nya.. wala kong choice, ang init pa naman... pero ok na din isang sakay lang mula samin, nag RRCG na bus na ko.. -Manong dadaan ba ng Medical City? Oo, 22.50.. ah ok... pag dating ko...Waaaah.. ang ganda pala dun.. asteeeg.. derecho ko sa ER.. bangeeees... at take note daming magandang nurse.. Yes sir san po sila? Ha?, Jay!..Teh!..ate ko yun..

Pagpasok ko sa room.. ok sya galing..ganda ng care... At bigla kong nasabi sa sarili ko, parang ang sarap magkasakit, kahit one week lng, para makapag pahinga naman ako sa trabaho.. kung ganito ka ganda tutulayan ko at ang gaganda at ang gagaling pa mag-alaga ng mga nurse ok lng....hehehe.. ang sarap matulog, lalo na ngayun summer, tahimik pa..
After 3 hrs.. Sir pwede na po kayong umuwi... nyeeeh... bakit naman... mas matagal, mas malaki bill.. ah ok.. tara tawag na tayo ng taxi...



Tuesday, April 17, 2007

Ano daw trip ko?

May nag sabi sakin, ano daw bang trip ko at ginagawa ang mga bagay na ito, mga ngila sabi adik! yung wow lalim pare! yung ba astig... hehe.. isa sa mga pinaglalabasan ko ng aking malikot na pagiisip.. (ang sagwa! pinaglalabasan). Nagsimula ito nung nahilig akong magbasa ng kung anu anung libro, lalong lalo na ang mga libro ni bob ong. Masasabi ko na isa sya sa naka impluwensya ko. Malamang pag nabalitaan nya toh, titigil na yun sa pagsusulat. hehehe joke... Pag nababato ako dati pinapuod ko yung mga langgam sa bahay, kung panu sila mamuhay, and then suddenly naisip ko di ako uunlad kung papanuorin ko lng sila.. yun yung mga panahon na wala pa kong trabaho at parang feeling ko wala kong kwentang tao. Imbis na panuorin ko lng sila, bakit hindi ko idukomento ito.... and then poof it became koko crunch... dun na nagsimula anf lahat.

Di mo appreciate ang ginagawa mo pag mo ito nakikita... gets? testingin mo! malay mo...
natatawa ko pag nakikita ko yung mga ibang sinulat ko dati. Di ma-imagine na nagawako yun, napaka siraulo ko pala..

anung susunod?, naisip kong samahan ng mga images... pero syempre sarili kong kuha.. i mean ako ang kumuha... Oh di bah. improving..



Thursday, April 12, 2007

Reminisce and Miss...

I read this story of one of my co-member in a forum that i joined.. I just can't imagine my life grow old and end up like this.. but for this is an inspiration... i ask the permission of the person who create this, he deserve happiness in life... i believe that he is a responsible person....


...I remember getting home from work, my 6 year old daughter and 5 year old son would come running down the driveway yelling happily "Daddy's home!!"...the days toils just disappeared as they'd grab both my legs and sometimes knock me down! Then I'd take one on each arm, pick them up and they'd practically squeeze my head off!...some of the sweetest moments I've ever known or will ever know in my life! They never knew how they'd make my heart sore... such a blast of love and happiness inside of me!...They are the reason I live, my heart and soul, my beautiful children...a true gift from God. I am so humbled and grateful beyond words!
...Ten years have gone by now...things have changed a lot in our "happy home". We were blessed once more four years ago with a beautiful new baby boy. He was born in a very hard time...I was leaving his mother at the for cheating on me and having an endless drug problem... at the time I didn't even know if he was mine...(pray he'll forgive me for that)... Since then we lost our house, got a divorce, and the three kids live two weeks a month with each of us. My two older ones more interested in friends now then Daddy...That happens, I know...still it's hard but it's all part of the job (parenting) and getting older I guess! They still hug me ...but my boy is taller than me now!!.. it's different now, but the love's still there...That's Forever! The little one squeezes me so tight when I see him again after two weeks...makes me cry (I'm tearing right now!) that I can't give him a more "normal" family life, like I tried so hard to preserve for my first two children. Hope he will understand someday ...and forgive me... Meanwhile I'll do all I can to make the best of the time we have together and give them all the love in my heart. They are so very precious to me... and I really hate living without them for two weeks every month...friends tell me it's better than never...Yes but it's hard to get used to... cuts me deep!...
...Life's been hard on them the past few years... too much confusion, anger and hurt... sometimes wish we could start again... go back to that feeling at the beginning of this story!!... Hope with time our wounds can heal, pray that my children will be alright despite the sadness... Because no matter what we have to carry on, make good of this "new life", and never give up in our pursuit of happiness. After all, that’s what life's about!

by: Mr. Rob Sears


Wednesday, April 11, 2007

sex pampatibay?

Opo maka kaibigan "sex" na naman, why is it always about sex? May nakapag sabi sakin na ang sex daw ay nakakapag patibay ng relasyon. ako tatanungin, nung malay ko jan virgin pa ko. Pero walang halong biro totoo man ito o hinde, wag sana nating maging basihan ang sex para lang maging matibay ang isang relasyon. Para sakin ito'y isang sagradong aktibidades na dapat pagukulan ng pansin at panahon, pinaghahandaan at pinagaaralan, para mas exiting diba? di dapat minamadali. Ito ay hinde kanin na mainit at pag napaso ka ay iluluwa mo at pagsisihan at masasabi na P.I. ang sakit, mainit pala....

may babahagi ako sa inyong kwento, maaring ilan sa inyo ay nabasa na ito at maaring di ganun na ganun... titulo: "SEX BOMB". Sa isang malamig na lugar sa ibang bansa kung saan ay nagyeyelo at may mga nabubuhay na mga lobo. May mga mangingisda kung saan gumagamit ng sibat o spear sa pangingisda, madalas iniiwan o naiiwan nila ang sibat na may bahid ng dugo kung saan nanigas ito. Ang mga lobo ay matatalas ang pang-amoy kung kaya't madali nilang nakita ito. Dinalaan ng lobo ang talim ng sibat na may bahid ng dugo na di nalalaman ang panganib na dulot nito. Dinilaan ng dinilaan ng lobo ang talim hanggang masugatan ang dila nito, dahil sa sobrang sarap di nalalaman ng lobo na sarili na nyang dugo iyon, hanggang sya ay mamatay! bow....

bakit kaya sex bomb? katulad ng lobo sa sobrang sarap di natin mamalayan na maaring makasama ito sa atin. Come to think of it mga chong at chang... di lang physically pati utak natin.. wag nating hayaan lasunin tayo, "SEX IS GOOD ALL THE TIME" ika nga ng iba, its a natural thing, oo tama sila "partially"....pero lahat ng sobra masama..

"do ordinary things, extraordinarily well"

Monday, April 09, 2007

lalake daw ba o babae?

Matagal ng pinagtatalunan sa buong panig ng mundo, at marami na rin ang nag-aral tungkol sa kung sinu daw ba ang mas matalino.. babae o lalake.. marahil marami ang magkukumento kung sasabihin kong "lalake"...

ayon sa aking karanasan at pagmamasid sa aking paligid.. ako'y nagkaruon ng opinyon tungkol dito. Inuulit ko po "opinyon ko lng po ito". Mas matalino ang lalake "dahil"... Sabi sa syensya na ang syantipiko daw ay kelangan mataas "curiosity" o mausisa... malikot ang pagiisip... Ayon sa aking pagoobsirba sa mga lalake, pakikisalamuha ko at sa ibat - ibang lalake na aking na kasama (ang pangit pakinggan). Ang lalake ay mas mataas ang curiosity level. Di sila napapakale kapag di na la natutuklasan kapag curios sila sa ibang bagay. Tulad ng mga naunang mga sayantipiko, maraming lalake ang nakadiskubre at nakatuklas ng mga bagay - bagay ng ginagamit natin ngaun sa araw - araw.

Kung saan "ilan" sa mga kababaihan ay takot subukan ito... gaya ng paglipad ng eroplano, pagmamaheho ng sasakyan, paggamit ng droga, pagpupuyat, pag susundalo o kaya pulis, pakikipagalaban at kung anu-anu pang bagay na nangangailangan ng "man power". Alam ko kaya rin nilang gawin to, pero mas marami paring lalaki ang gumagawa nito. Kaya nga bilib ako sa mga babae na nagpupulis o kaya sundalo, mountain climber, magaling mag-karate, at kung anu-anu pang bagay na ginagamitan ng babae ng kaniwalang kagila-gilalas na "girl power". At isa na ring dahilan kung bakit mas dimonating ang "boys", at nakakalungkot isipin na ang mga kababaihan ay nagiging simbolo ng "SEX". Mapapansin natin ito sa mga website o magazine.

Bagamat mas dominating ang mga lalake, dahil mataas daw ang kanilang "curiosity level", sabi ko yun.. Meron din namang masamang epekto eto o disadvantages. Dahil sa sobrang anu ng mga lalake....... "curious" kahit alam nila minsan na maka sasama sa kanila ito... tuloy pa rin para lang ma fulfill nila yung kagustuhan nilang mapagtagumpayan ang kanilang curiosity. Dahil dito mas maraming lalake ang nakukulong, nalululong sa masamang bisyo at namamatay. Dahil dun partially correct ang saying na "ignorance is bliss". At dahil dun kaya siguro ayaw subukan ng mga babae, mababa ang kanilang extreme level unlike sa mga lalake.

So para sakin "kwits lang" mas matalino ang lalake pero mas mautak ang mga babae (pwede ba play safe?).... Kaya naman naniwala pa rin ako sa saying nung guro ko dati nung high sa school, sabi nya...

"Do Ordinary things, Extraordinarily well"


Sya nga pala lalake yung guro ko na nagsabi nyan!! heheh