Thursday, April 26, 2007

bakit bogs?

sila: bakit daw bogs? bakit nga ba? sinu ba yun? anu ba yun?
ako: tawag kasi sakin ng nakatatanda kong kapatid bogs...
sila: layo naman sa totoo mong pangalan?
ako: oo nga eh...
sila: Eh anu bang history ng palayaw mo?
ako: Ganito yan... nung bata pa ko tampuhin kasi ko...
sila: anung kinalaman nun...
ako: di pa ko tapos..easy ka lng..
ako ulit: madalas kc ko magatampu nung bata ko.. pag sinusuyo ko ng nanay ko, tawag nya sakin bagoy...
sila: e bakit nga bogs..?
ako na naman: e kc nga ganito.. syempre ganun talaga.. bagoy, bugoy hanggang sa naging bogs..
actually ayoko na tinatawag ako dating ganun... eh na realize ko.. isa na lang yun sa mga nagpapaalala sa aking ina.. bata pa kc ko nung nawala sya.. kay ganun...
ako last na:
daming tanong... inum na lang tayo...naiiyak na ko eh...


No comments: