Monday, April 09, 2007

lalake daw ba o babae?

Matagal ng pinagtatalunan sa buong panig ng mundo, at marami na rin ang nag-aral tungkol sa kung sinu daw ba ang mas matalino.. babae o lalake.. marahil marami ang magkukumento kung sasabihin kong "lalake"...

ayon sa aking karanasan at pagmamasid sa aking paligid.. ako'y nagkaruon ng opinyon tungkol dito. Inuulit ko po "opinyon ko lng po ito". Mas matalino ang lalake "dahil"... Sabi sa syensya na ang syantipiko daw ay kelangan mataas "curiosity" o mausisa... malikot ang pagiisip... Ayon sa aking pagoobsirba sa mga lalake, pakikisalamuha ko at sa ibat - ibang lalake na aking na kasama (ang pangit pakinggan). Ang lalake ay mas mataas ang curiosity level. Di sila napapakale kapag di na la natutuklasan kapag curios sila sa ibang bagay. Tulad ng mga naunang mga sayantipiko, maraming lalake ang nakadiskubre at nakatuklas ng mga bagay - bagay ng ginagamit natin ngaun sa araw - araw.

Kung saan "ilan" sa mga kababaihan ay takot subukan ito... gaya ng paglipad ng eroplano, pagmamaheho ng sasakyan, paggamit ng droga, pagpupuyat, pag susundalo o kaya pulis, pakikipagalaban at kung anu-anu pang bagay na nangangailangan ng "man power". Alam ko kaya rin nilang gawin to, pero mas marami paring lalaki ang gumagawa nito. Kaya nga bilib ako sa mga babae na nagpupulis o kaya sundalo, mountain climber, magaling mag-karate, at kung anu-anu pang bagay na ginagamitan ng babae ng kaniwalang kagila-gilalas na "girl power". At isa na ring dahilan kung bakit mas dimonating ang "boys", at nakakalungkot isipin na ang mga kababaihan ay nagiging simbolo ng "SEX". Mapapansin natin ito sa mga website o magazine.

Bagamat mas dominating ang mga lalake, dahil mataas daw ang kanilang "curiosity level", sabi ko yun.. Meron din namang masamang epekto eto o disadvantages. Dahil sa sobrang anu ng mga lalake....... "curious" kahit alam nila minsan na maka sasama sa kanila ito... tuloy pa rin para lang ma fulfill nila yung kagustuhan nilang mapagtagumpayan ang kanilang curiosity. Dahil dito mas maraming lalake ang nakukulong, nalululong sa masamang bisyo at namamatay. Dahil dun partially correct ang saying na "ignorance is bliss". At dahil dun kaya siguro ayaw subukan ng mga babae, mababa ang kanilang extreme level unlike sa mga lalake.

So para sakin "kwits lang" mas matalino ang lalake pero mas mautak ang mga babae (pwede ba play safe?).... Kaya naman naniwala pa rin ako sa saying nung guro ko dati nung high sa school, sabi nya...

"Do Ordinary things, Extraordinarily well"


Sya nga pala lalake yung guro ko na nagsabi nyan!! heheh






No comments: